And whatever you do, whether in word or deed,
do it all in the name of the Lord Jesus, giving thanks
to God the Father through him.
Colosians 3:17
BBC's 26th Anniversary Celebration!!!
Send Us Mail!
|
Ministry Updates!
Purpose Driven Life Summer Youth Camp 2005
More Than Enough!
Almost a month have just passed after the Purpose Driven Life Camp 2005… parang kailan lang, nagpaplano pa lang kami para sa camp na ito. Eto kami ngayon ay nagbubulay-bulay at inaalala na lang ang lahat ng aming mga karanasan at naging buhay sa loob ng anim na araw sa Bataan. Ang sarap alalahanin ng nakaraan, andun kasi yung tawanan, yung iyakan, yung masasayang alaala, masasayang laro, kahit nagtatalu-talo dahil lahat gusto manalo, enjoy pa rin dahil may bonding, unity, camaraderie at team building sa bawat grupo.
Sa pagpe-prepare pa lang ng mga staff, marami nang tampuhan, iyakan, “medyo bangayan”, tagisan ng kaalaman at ideas, kulitan, awitan, sayawan, puyatan, nagsakripisyo talaga ang bawat isa para sa ikatatagumpay ng camp. Lalong tumibay ang aming samahan at ang pagnanasa na maabot pa ang mas maraming kabataang hindi alam ang purpose nila sa buhay. Talagang makikita natin sa mga staff and counselors ang pagtitiyaga nilang basahin paulit-ulit at pag-aralan bawat detalye ng aklat na Purpose Driven Life ni Rick Warren. Saludo kami sa iyong lahat!
Sa mga problema, pagsubok na napagdaanan naming, tunay nga na patuloy naming nadama ang pag-ibig at katapatan ng ating Panginoon. Patuloy Niya kaming tinuturuan na 100% ibigay ang buo naming pagtitiwala sa Kanya – walang labis, walang kulang.
Salamat dahil patuloy na nangungusap ang Diyos sa bawat isa sa amin, salamat sa mga tao na ginamit Niya para mas maging matagumpay ang gawaing ito. May God continue to pour down His bountiful blessings upon you and your family.
Up to the last minute, talagang marami pa ring tests ang naranasan namin. Andyan yung pag-iisip na huwag na lang kayang ituloy dahil may kakulangan pa rin sa pera, mga hindi pagkakaunawaan at kung anu-ano pa. Salamat sa Panginoon dahil Siya ang nagbigay ng kalinawagan sa amin na ituloy ang camp na ito come what may dahil ang layon ng aming mga puso ay maibahagi sa mga kabataan ang ligaya na aming patuloy na nadarama sa aming paglilingkod sa ating Diyos na buhay.
At last natuloy din! During the camp, lahat ay excited sa mga pagkilos ng Diyos sa bawat isa. Noong unang araw, halos lahat ay mahiyain pa (bukod sa mga staff, siyempre!) ngunit ng kalaunan, unti-unti na silang (ang mga delegates) lumalabas sa kanilang mga “shells” – hinuhubad na nila ang kanilang pagiging mahiyain, natututo na silang magbahagi ng kanilang kaalaman at mga karanasan sa kanilang mga small groups, kanya-kanya ng kulitan, tawanan, sayawan at awitan. Ang saya – sobrang saya! Hindi ako makahanap ng akmang salita para gamitin sa joy na naranasan naming lahat sa katagumpayan ng camp na ito.
Almost hit the target of 80 participants sa camp. As we checked our registration, we summed up to 75 campers, staff and speakers. We praise God for the number of people he has brought to the camp. 13 campers followed Christ’s call to water baptism. They have declared their faith, shared Christ’s burial and resurrection, it has been a symbolism for them to the death of their old life and a celebration on their part to be identified in God’s wonderful family. The students have learned to embrace God’s Word through Small Group Quiet Time and Devotion, through memorizing verses, and listening to the speakers as they expound more about knowing our life’s purposes.
Indeed, this is a life-changing camp, a turning point for some. Pero para sa akin, ang karanasang ito ay hinding-hindi malilimutan ng bawat naging bahagi sa katagumpayan ng gawaing ito ng Panginoon! Napakaraming dapat ipagpasalamat at pasalamatan! We have dug deeper into the Word of God, have built community among us, and have sharpened our focus on God’s purpose. Studying God’s Word together with other believers always impacts our lives in ways we can’t imagine.
Ang camp na ito ay ang simula pa lang ng isang matatag na foundation for our spiritual growth. We are now buckled up with God’s armor and purposes in our lives as we continue to deal with life’s struggles and trials. AJA MGA KAPATID! GO PURPOSE DRIVEN LIFE PEOPLE! GO GO GO FOR GOD’S GLORY ALONE! WE ARE INDEED SURVIVORS… THROUGH AND FOR CHRIST JESUS!
Other Events...
BBC: Celebrating our 26th anniversary!
Campus: A Rich Ground in Sharing the Gospel
Mission Expedition: Serve the less fortunate
Enjoyed God's Presence: Encounter God Retreat
Investing for Others’ Future: Start Now!
Youth Camp 2004: Mindoro, Philippines
|